Dinispatsa nina Carlo Biado at Johann Chua ang kani-kanilang kalaban sa semifinal para mailatag ang all-Filipino gold medal match sa men's 9-ball pool singles finals sa ginaganap na 31st Southeast Asian Games.
Dahil dito, sigurado na ang karagdagang gold at silver sa mga medalya na hinahakot ng tropang Pinoy sa SEA Games.
Pinataob ni Biado ang katunggaling Aloysius Yapp ng Singapore, 9-7, para umusad siya sa final round.
Nagharap na rin ang dalawa sa 2021 US Open Pool Championship match noong Setyembre kung saan tinalo rin ni Biado si Yapp.
Samantala, pinaluhod naman ni Chua ang isa pang pambato ng Singapore na si Lian Han Toh, 9-3, upang maisalya ang all-Pinoy finals nila ni Biado.
Bukod kina Biado at Chua, kumabig din ng bronze medal ang legendary cue artist na si Efren "Bata" Reyes sa men's one-- FRJ, GMA News