Arestado ang isang lalaki na tatlong taon umanong paulit-ilit nangmolestiya sa kanyang mga stepdaughter na pawang mga menor de edad sa Makati City.
Sa ulat ni Mai Bermudez sa Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing kalasingan umano ang sinisi ng suspek kung bakit niya paulit-ulit na namolestiya ang tatlong anak ng kanyang kinakasama.
Tatlong taon umanong paulit-ulit na ginagawa ng suskpek ang pangmomolestiya sa mga batang edad 8, 10, at 13.
Dahil sa takot, nitong Martes lamang umanong nagawang magsumbong ang mga bata sa amo ng kanilang ina, ayon sa ulat.
Aminado ang suspek na minolestiya niya ang mga bata at sinisi niya ang sobra umano niyang kalasingan sa tuwing ginagawa niya ang panghahalay sa mga bata.
Umanin din umano ang suspek na gumagamit siya dati ng iligal na droga.
Samantala, ang mga biktima ay isasailalim sa medico-legal examination. —LBG, GMA News