Tinanggal sa pwesto ang isang pulis na lasing umano at namaril ng isang lalaking estudyante na pasahero ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Quezon City nitong Pebrero.
Ang mga pulis naman na nagpabaya umano sa imbestigasyon, demoted sa kanilang katungkulan.
Sa sulat na ipinadala ng People's Law Enforcement Board sa Philippine National Police noong Marso 22, sinabing nagdesisyon ang board na sibakin sa pwesto si Police Corporal Reymark R. Rigor matapos siyang ireklamo ng 22-anyos na biktima ng pamamaril sa Scout Rallos Extension.
Lumabas sa imbestigasyon na nakainom si Rigor matapos umanong manggaling sa birthday party ng kaniyang superior.
Samantala, demoted o pinababa naman ang ranggo ng apat pang pulis dahil sa "neglect of duty," habang abswelto ang dalawang iba pa.
MORE: Na-demote naman ang 4 pang pulis na kasamang kinasuhan habang naabswelto naman ang 2 iba pa. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/iwdE5hAhjg
— DZBB Super Radyo (@dzbb) March 26, 2022
Inireklamo rin ng biktima sina Police Staff Sergeant Bryan Busto at Police Corporal Jaycee Tordil matapos balewalain umano ng mga pulis ang kaniyang tinamong sugat na “daplis” lamang bago sumailalim sa operasyon.
Demoted si Busto, habang napawalang sala si Tordil. — DVM GMA News