Tatlong tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang nasawi nang bumangga sa mga concrete barrier at magliyab ang kotse na kanilang sinasakyan sa EDSA sa bahagi ng Quezon City.

Sa ulat ni James Agustin ng GMA News, sinabing nangyari ang insidente dakong 2:00 am nitong Biyernes sa  southbound ng EDSA, ilang metro ang layo mula sa P. Tuazon Tunnel ng Quezon City.

Nakaligtas naman ang isang kasamahan ng mga nasawi.

Sa pahayag, kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF)  na tauhan nila ang mga biktima.

"The accident involved four (4) PAF personnel wherein three (3) were confirmed dead," ayon sa pahayag. "The only survivor was brought to a hospital for immediate medical treatment."

 

 

Iniimbestigahan pa ang nangyaring insidente, sabi pa ng PAF.

"The PAF is coordinating with proper authorities on this investigation," dagdag nito.  -- FRJ, GMA News