Mayroong 15 presidential at siyam na vice presidential aspirants ang nakapasok sa listahan ng Commission on Elections (Comelec) ng mga kakandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa para sa Eleksyon 2022.

Sa inilabas na Certified List of Candidates ng Comelec, lumitaw na mahigit 80 ang nalagas mula sa listahan ng mga presidential aspirants na unang inilabas ng komisyon noong October 29.

Ang nasa "tentative list" ng mga presidential aspirant ay sina (in alphabetical order):

  • Abella, Ernie
  • Andes, Hilario
  • Arcega, Gerald
  • De Guzman, Leody
  • Domagoso, Isko Moreno
  • Gonzales, Norberto
  • Lacson, Ping
  • Lihaylihay, Danilo
  • Mangondato, Faisal
  • Marcos, Bongbong
  • Marcos, Maria Aurora
  • Montemayor, Jose Jr.
  • Niez, Edgar
  • Pacquiao, Manny Pacman at,
  • Robredo, Leni

Samantala, mula sa 28 ay siyam na lang ang nasa tentative list ng Comelec ng mga kakandidatong bise presidente.  Ito ay sina (in alphabetical order):

  • Atienza, Lito
  • Bello, Walden
  • David, Rizalito
  • Duterte, Sara
  • Lopez, Manny SD
  • Ong, Doc Willie
  • Pangilinan, Kiko
  • Serapio, Carlos
  • Sotto, Vicente

Ayon sa Comelec, ang tentative lists ng mga aspirante o kakandidato sa May 9, 2022 national and local elections ay batay sa paunang pagsusuri sa Certificates of Nomination, Certificates of Candidacy at Certificates of Nomination and Acceptance.

“Consequently, the contents of the list, particularly the names of the aspirants/candidates, political parties, as well as the name to appear on the ballot are subject to change as a result of any further evaluation and/or resolution of the Commission En Banc in relation thereto,” ayon sa Comelec. —FRJ, GMA News