Anim na buhay na Pangolin ang na-recover ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation ng Philippine National Police (PNP), at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Pasay City nitong December 16, 2021.
Ayon sa DENR, iligal na hinuli ang mga Pangolin sa Palawan at dinala sa Maynila para ibenta.
Isang taga-DENR daw ang nagpanggap na buyer dahilan para maaresto ang 2 suspek. Dito na nakuha sa kanilang poder ang 6 na kawawang Pangolin.
Ang Philippine Pangolin ay endemic o tanging sa lalawigan lang ng Palawan matatagpuan. Tinatawag itong Balintong ng mga residente sa lugar.
Nanganganib ng maubos ang mga Pangolin dahil sa matinding banta ng paghuli sa mga ito upang pagkakitaan.
Noong 2015 pa ng ideklara ito na critically endangered ng Palawan Council for Sustainable Development. —LBG, GMA News