Naitala ang 425 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong Martes, na pinakamababa mula noong Hulyo 2020.
Ang nasabing bilang ang ikapitong sunod na araw na hindi umabot sa 1,000 ang daily new cases.
Ayon sa Department of Health (DOH), dalawang laboratoryo ang hindi operational nitong November 28, at apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras.
Bumaba naman ang mga aktibong kaso sa 15,800. Sa nasabing bilang, 47.5% ang mild cases, 5.3% ang asymptomatic, 16% ang severe, at 6.8% ang kritikal.
Nadagdagan naman ng 909 ang mga bagong gumaling, at 44 na pasyente ang pumanaw.
Naitala sa 2.1% ang positivity rate sa kabuuang 24,442 na sumailalim sa COVID-19 test.
Ayon sa DOH, nasa 27% ng intensive care unit beds at 19% ng mechanical ventilators sa bansa ang nagagamit.
Sa Metro Manila, nagagamit naman ang 25% ng ICU beds at 17% ng ventilators.—FRJ, GMA News