Pumayag ang mayorya ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na ibalik na ngayong linggo ang number coding scheme tuwing rush hour sa hapon.
Ayon sa ulat ni Allan Gatus sa Super Radyo dzBB ngayong Lunes, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, na iiral ang number coding scheme mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na 5 p.m. hanggang 8 p.m.
Tanging mga pribadong sasakyan lang ang apektado ang sa naturang implementasyon at hindi kasama ang mga ublic utility vehicles (PUVs).
Magsisimulang umiral ang number coding scheme sa ikalawang araw matapos na mailathala sa Official Gazette ang resolusyon sa Martes.—FRJ, GMA News