Sa tinatayang 270 party-list groups na nais sumabak sa May 2022 party-list elections, 126 ang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec).
“126 applicants for [party-list] registration were denied by Comelec,” ayon kay commissioner Atty. Rowena Guanzon sa kaniyang post sa Twitter nitong Miyerkules.
126 applicants for Party List registration were denied by @comelec
— Rowena Guanzon (@rowena_guanzon) November 17, 2021
Hindi pa inilalabas ng Comelec ang listahan ng mga pangalan ng grupong hindi pumasa ang aplikasyon.
Noong Oktubre 8, nasa 270 na grupo ang naghain sa Comelec ng kanilang certificates of nomination and acceptance.
Sa May 2022 elections, isang party-list group ang kasamang iboboto ng mga botante. — FRJ, GMA News