Isang lalaki na tubong-Quezon ang unti-unting gumagawa ng pangalan sa bilyar dahil sa kakaiba niyang talento ng paglalaro gamit ang isang paa bilang plangketa o pangtakod sa tako sa halip na kamay.
Sa ulat ni Chino Gaston sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ni Jeffrey Prieto, na kabilang sa mga idolo niya sa bilyar ay sina Efren "Bata" Reyes at Django Bustamante.
Kuwento ni Prieto, may nakita siya minsan na naglaro ng bilyar na paa ang ginawang plangketa at doon niya naisipan na gayahin ito.
Pero sa exhibition game lang ginagamit ni Prieto ang paa sa paglalaro. Dahil unti-unti na rin siyang nakikilala sa mundo ng bilyar at lumalaban na sa mga local at maging sa international tournament.
Katunayan, may pagkakataon pa na nakakaharap na niya sa torneo ang kaniyang mga idolo.
Sinubukan ni Chino kung gaano kahusay si Prieto sa paglalaro ng bilya gamit ang isang paa bilang plangkete. Panoorin ang naging resulta ng kanilang laban sa video.
--FRJ, GMA News