Isang lalaking trabahador ng isang mall sa Quezon City ang nasawi nang makaladkad siya ng isang SUV sa paakyat na bahagi ng parking area ng establisimyento.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Edward Lustre, na nakasakay sa motorsiklo nang mangyari ang insidente.
Ayon sa pulisya, paakyat at nasa paikot na bahagi ng elevated parking lot ang SUV at ang biktimang nakamotorsiko.
Nagulungan umano ng SUV si Lustre at nakaladkad ng ilang metro.
Tumangging magbigay ng pahayag ang driver ng suv na si Marvin Mamuyak.
Desidido naman ang kapatid ng biktima na sampahan ng reklamo ang driver ng SUV.
Sa iniabas na pahayag ng SM Fairview, sinabi nito na kaagad nilang tinulungan at dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima.
"An incident occured in the parking building of SM City Fairview involving a male sales personnel. He was immediately attended to and rushed to the nearby hospital accompanied by our Emergency Response team. A joint investigation with the PNP isa ongoing," ayon sa pahayag.--FRJ, GMA News