Inilabas na ng tatlong kakandidatong pangulo ng bansa sa May 2022 national elections ang kani-kanilang senatorial slates.

Ang tambalan nina Senador Panfilo Lacson at kaniyang running-mate na si Senate President Vicente Sotto III, mag-e-endorso ng 15 senatorial candidates.

Kinabibilangan ito nina:

  • Antique Rep. Loren Legarda
  • Former Senator Joseph Victor “JV” Ejercito
  • Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero
  • Former Quezon City Mayor Herbert Bautista
  • Senator Sherwin Gatchalian
  • Senator Joel Villanueva
  • Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri
  • Former Vice President Jejomar “Jojo” Binay
  • Former Agriculture Secretary Manny Piñol
  • Dr. Minguita Padilla
  • Former Makati Rep. Monsour del Rosario
  • Powee Capino
  • Senator Richard “Dick” Gordon
  • Information and Communications Secretary Greg Honasan
  • at isang "surprise candidate."

Sinabi ni Sotto na “deserve" ng mga nabanggit na pangalan ang maging senador.

Nauna nang sinabi ni Lacson na ipapaubaya na nila sa mga tao kung sino sa mga kandidato nila ang nais nilang piliin na 12 na magiging senador.

10 sa listahan ni Pacquiao

Samantala, ang tambalan nina Senador Manny Pacquiao at Buhay party-list Representative Lito Atienza, naglabas ng 10 pangalan na kandidato nila sa pagka-senador.

Binubuo ito nina:

  • Senator Juan Miguel Zubiri
  • Senator Joel Villanueva
  • Sorsogon Governor Francis Escudero
  • Antique Representative Loren Legarda
  • Former Vice President Jejomar Binay
  • Broadcaster Raffy Tulfo
  • Former Samar Governor Lutgardo Barbo
  • Senator Richard Gordon
  • Labor leader Elmer Labog
  • at Former Bayan Muna Representative Neri Colmenares

Sinabi ni Pacquiao na bukas sila na tumanggap ng iba pang guest candidates.

11 sa Robredo-Pangilinan ticket

Ang grupo ng oposisyon nina Vice President Leni Robredo at katambal niyang si Senador Francis Pangilinan, naglabas ng 11 pangalan na kandidato nila sa pagka-senador.

Ito ay sina:

  • Senator Richard Gordon
  • Senator Joel Villanueva
  • Senator Miguel Zubiri
  • Senator Risa Hontiveros
  • Senator Leila de Lima
  • former Vice President Jejomar Binay
  • Former Representative Teddy Baguilat
  • Sorsogon Governor Chiz Escudero
  • Former Senator Antonio Trillanes IV
  • human rights lawyer Chel Diokno
  • Alex Lacson ng Kapatiran.

"They are the ones who heeded our call for unity," sabi ni Robredo. "We are together in expanding our ranks based on principles."

Patuloy pa niya, "Mga kinatawan sila ng mas malawakang puwersang handang tumindig para isulong ang bago, matino, at makataong pamamahala, mula sa tuktok ng pamahalaan hanggang sa bawat sulok ng burukrasya."

--FRJ, GMA News