Opisyal nang inanunsiyo ni Senador Manny Pacquiao ang pagreretiro niya sa boxing.
"To the greatest fans and the greatest sport in the world, thank you! Thank you for all the wonderful memories," saad ng eight-division world champion sa kaniyang tweet.
"This is the hardest decision I’ve ever made, but I’m at peace with it. Chase your dreams, work hard, and watch what happens. Goodbye boxing," patuloy niya.
Tumagal ng 26 na taon ang karera ng 42-anyos na si Pacquiao sa boxing, at nag-iwan ng record na 62-8-2 (has a win-draw-loss). Sa 62 panalo, 39 ang nakamit niya via knockout.
Huling nakalaban ni Pacquiao nitong Agosto si Yordenis Ugas pero natalo siya.
Matapos ang naturang laban, sinabi ni Pacquiao na pag-iisipan niya kung lalaban pa muli siya sa ibabaw ng ring, o lalaban sa pagkapangulo sa Eleksyon 2022.
Kabilang sa mga tinalo ni Pacquaio ay mga kinikilalang boxing legends tulad nina Juan Manuel Marquez, Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Antonio Margarito at Oscar DeLa Hoya.— FRJ, GMA News