Umabot sa 22,366 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Lunes, batay sa datos ng Department of Health.

Ito na ang pinakamataas na mga bagong kaso na naitala sa bansa matapos ang 19,441 na kaso noong August 28.

Dahil dito, lumobo sa 148,594 ang active cases. Sa nasabing bilang, 95.7% ang mild cases, 1.7% ang asymptomatic, 1.1% ang severe, at 0.6% ang kritikal ang kalagayan.

Samantala, nadagdagan naman ng 16,864 ang mga pasyenteng gumaling. Habang 222 na pasyente naman ang mga bagong nasawi.

Ayon sa DOH, 187 na kaso ang nadoble at inalis na sa listahan. at mayroon ding 105 na pasyente na dating nakalista sa mga gumaling ang inilagay sa bilang ng mga pumanaw matapos isagawa ang final validation.—FRJ, GMA News