Kinapos ang Pinoy boxer na si Eumir Marcial at hindi na nakausad para lumaban pa sa gold medal nang talunin siya ni Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine sa men’s middleweight division sa 2020 Tokyo Olympics nitong Huwebes sa Kokugikan Arena.
Naging matindi ang bakbakan ng dalawa at nagtamo ng putok sa ulo si Marcial sa unang round.
Hindi pa rin nagpasindak si Marcial sa second round at nagawa naman niyang paduguin ang ilong ng kalaban.
Sa huli, split decision ang naging pasya ng mga hurado pabor sa Khyzhniak .
Nang makapanayam ng media, sinabi ni Marcial, ibinigay niya ang lahat para manalo pero iginalang niya ang pasya ng mga hurado.
Aminado rin siyang malakas ang kaniyang kalaban.
Sa kabila ng nangyari, nagpapasalamat si Marcial na napanalunang bronze medal at naniniwala siyang may plano ang Diyos para sa kaniya.
Dahil dito, natapos na ang laban ni Marcial pero mag-uuwi siya ng bronze medal, habang silver medal naman ang nakamit ni Nesthy Petecio.
Unang nasungkit ng weightlifter na si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gold medal para sa Pilipinas. (BASAHIN: Pilipinas, sigurado na sa 4 na medalya sa 2020 Tokyo Olympics --FRJ, GMA News