Isang karumal-dumal na krimen ang nangyari sa Minneapolis sa Minnesota, USA, matapos madiskubre ang mga bahagi ng katawan ng isang tao sa bakanteng lote.
Sa ulat ng Reuters, sinabi ni John Elder, tagapagsalita ng pulisya, dakong 9:29 a.m. nang makatanggap ng tawag ang Minneapolis police tungkol sa posibleng parte ng katawan ng tao sa 300 block ng Main Street NE.
"Officers arrived, located the items and they do in fact appear to be human body parts... And we are treating this as a homicide investigation," ayon kay Elder.
Sinabi pa ng opisyal na may nakita pang ibang bahagi ng katawan sa isa pang lugar.
Pero hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil nawawala pa ang pang bahagi nito, kabilang ulo.
Hindi pa man kompirmado, hinihinala na isang adult na white male ang biktima.--Reuters/FRJ, GMA News