Nakapagtala ng 8,920 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Huwebes, at may pitong laboratoryo pa ang bigong makapagsumite ng datos, ayon sa Department of Health.
Sa kabuuan, 756,199 na ang mga tinamaan ng virus sa bansa, at lumobo pa sa 138,948 ang active cases o mga pasyenteng nagpapagaling at nasa mga quarantine facility.
Sa naturang bilang ng mga aktibong kaso, 95.9% ang "mild," 2.5% ang "asymptomatic," 0.6 ang "critical," at 0.6% ang "severe condition."
Samantala, 205 na pasyente naman ang nagdagdag sa listahan ng mga gumaling para sa kabuuang bilang na 603,948.
Anim naman ang nadagdag sa mga pasyenteng pumanaw na umabot na ngayon sa 13,303.--FRJ, GMA News