Inanunsyo ng Metro Manila Development Authority nitong Miyerkules Santo ang pagsuspendi sa truck ban ngayong Semana Santa.
Ayon sa "Unang Balita," natuwa ang mga truck driver nang malamanng lifted muna ang truck ban at sana umano tuloy-tuloy na ito upang tuloy-tuloy rin ang kanilang kita.
Ayon sa isang driver na nakausap ng Unang Balita, nakadepende umano ang kanilang kita sa dami ng biyaheng kanilang magagawa sa isang araw.
Pero hindi naman ikinatuwa ang ilang motorista ang pagtanggal sa truck ban dahil sigurado umanong magkakatrapik kahit nasa ilalim ng ECQ and Metro Manila at mga kapit-lalawigan nito (o ang NCR Plus).
Ngunit nilinaw ng MMDA na may total truck ban pa rin sa EDSA.
Sinabi naman ni umano ni Bong Nebrija ng MMDA sakaling ma-extend ang ECQ sa NCR Plus, posible ring ma-extend ang pag-alis ng truck ban sa Metro Manila, dag ng ulat. —LBG, GMA News