Binigyan ng pamahalaang-lungsod ng Quezon City ng aabot sa 5,000 piraso ng yantok ang mga pulis, hindi upang ipamalo sa mga sumusuway sa health protocols kundi gagamiting panukat sa "1-meter social distancing rule" ng mga nasa labas ng bahay.
Iniulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules na nagpatrolya ang mga pulis-QC na maybitbit na yantok.
Ayon sa ulat, sa ilalim ng programang "Bida Bastonero", 5,000 piraso ng yantok ang ibinigay ng pamahalaang-lungsod sa Quezon City Police District.
Dagdag pa, ang mga pulis gumagamit ng yangtok sa pang-aabuso ay pananagutin ng lokal na pamahalaan.
Sakali umanong may pang-aabuso ng pulis gamit ang yantok, maaari lamang umanong magsumbong sa Quezon City Hotline.
—LBG, GMA News