Makikiisa si Pope Francis sa selebrasyon ng mga Filipino ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas, kasama ang Pinoy community sa Vatican.
Iniulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes na pangungunahan ng Papa ang isang Misa sa St. Peter's Basilica sa ika-14 nitong Marso.
Inaasahang kasama rin sa naturang selebrasyon si Cardinal Luis Antonio Tagle, na inatasan ng Papa bilang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.
Para sa hindi umano makadalo sa naturang Misa, maaari nilang mapanood ang livestream nito.
Sa Pilipinas, karamihan sa mga diocese ay magtatampok ng year-long commemoration mula sa April 4, or sa Easter Sunday sa taong ito.
Matatandaang dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong March 16, 1521. At dito na nagsimula ang pag-usbong ng Christian faith sa bansa. —LBG, GMA News