Bahagyang lumakas ang hanging Amihan na ilang araw ding humihina at nagdulot ng maalisangang panahon.
Sa ulat-panahon ni GMA News resident meteorologist Mang Tani Cruz sa "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing bahagyang lumakas uli ang Amihan na magdudulot ng malamig na hangin ngunit, aniya, hindi na ito kasing lakas ng unang bugso nito.
Pahayag ni Mang Tani, unti-unting nalagpasan na natin ang Northeast Monsoon season, o Amihan.
Dagdag niya, kadalasan sa mga nagdaang mga taon, natatapos ang Amihan tuwing ikatlong linggo ng Marso. Pero posible itong tumagal hanggang Abril gaya umano sa nangyari noong 2017 at 2018.
Ayon sa kanya, ang dahilan ng pagtagal o pag-iksi ng panahon ng Amihan ay naiimpluwensyahan ng La Niño o ng La Niña. —LBG, GMA News