Binawasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tatlong araw ang mga araw na walang pasok sa Pilipinas ngayong 2021 para sa ekonomiya.
Sa inamyendahang Proclamation No. 1107, hindi na special non-working holidays ang November 2 - All Souls Day, December 24 - Christmas Eve, at ang December 31- New Year's Eve.
Ibig sabihin nito, may pasok na sa trabaho sa nabanggit na tatlong araw na karaniwang walang pasok.
Ginawa ang pagbabago habang pinapalakas ng bansa ang ekonomiya na pinadapa ng COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1107, idineklarang regular holidays ay ang:
New Year’s Day - January 1 (Friday)
Araw ng Kagitingan - April 9 (Friday)
Maundy Thursday - April
Good Friday - April
Labor Day - May 1 (Saturday)
Independence Day - June 12 (Saturday)
National Heroes Day - August 30 (Monday)
Bonifacio Day - November 30 (Tuesday)
Christmas Day - December 25 (Saturday)
Rizal Day - December 30 (Thursday)
Special non-working days naman ang:
Chinese New Year - February 12 (Friday)
EDSA People Power Revolution - February 25 (Thursday)
Ninoy Aquino Day - August 21 (Saturday)
Black Saturday - April 3
All Saints’ Day - November 1 (Monday)
Feast of the Immaculate Conception of Mary - December 8 (Wednesday)
Habang special working days naman ang:
All Soul’s Day - November 2 (Tuesday)
Christmas Eve - December 24 (Friday)
Last Day of the Year - December 31 (Friday)
— FRJ, GMA News