Pinuna ni Muntinlupa City Representative Rufino Biazon ang lumabas sa ulat na ituturing ng Land Transportation Office na "reckless driving" ang hindi pagsusuot ng face mask ng mga driver at pagmumultahin.

"Bakit ang penalty ng hindi pagsuot ng face mask is reckless driving? That's what I heard about, ang magiging violation mo is reckless driving? Ang mape-penalize ba just the driver or even the other occupants?" sabi ni Biazon sa pagdinig ng House Committee on Transportation nitong Miyerkules.

Binanggit ni Biazon ang nakasaad sa Section 48 ng Republic Act 4136, na :

Reckless Driving. – "No person shall operate a motor vehicle on any highway recklessly or without reasonable caution considering the width, traffic, grades, crossing, curvatures, visibility and other conditions of the highway and the conditions of the atmosphere and weather, or so as to endanger the property or the safety or rights of any person or so as to cause excessive or unreasonable damage to the highway."

"How can somebody be penalized with a law that is not applicable to that?" sabi ni Biazon.

Paliwanag naman ni LTO chief Edgar Galvante, magiging "reckless" umano ang driver kung papayagan niya ang mga pasahero niya na hindi magsuot ng face mask.

"Kung kayo po ay driver eh 'yung kapakanan ng sakay ninyo is kasama po sa dapat niyong gampanan, kaya po ang magiging violation kung sakaling 'di tumupad, kayo bilang driver. Unang-una hindi ninyo po dapat payagan, assuming na ang pamantayan po ay dapat lahat magsuot ng mask... Kung 'di po sila magsusuot ng mask, hindi ninyo po dapat isakay," dagdag pa ni Galvante.

"Kaya kung kayo po bilang driver, nagsakay kayo ng 'di sumusunod, eh reckless po na ano 'yun, ang interpretasyon dito eh reckless kayo na inilagay niyo sa alanganin ang inyong pasahero..." dagdag ng opisyal.

Kasama sa kautusan ngayon ng pamahalaan dahil sa COVID-19 pandemic ang obligahin ang mga driver at pasahero na magsuot ng face mask sa sasakyan kahit ang mga magkasama sa bahay.

Nakasaad sa panuntunan na:

*When traveling alone, the driver may remove his/her face mask; and
*When the driver is with passenger/s, it is mandatory for all individuals inside the vehicle to properly wear a face mask, regardless if they are from the same household.

Sinabi naman ni Galvante na susundin ng LTO kung may mag-uutos sa kanila na hindi dapat patawan ng multa na para sa reckless driving ang hindi pagsusuot ng face mask.

"We submit po kung mayroong kautusan na hindi dapat i-consider 'yun bilang reckless driving na violation..." saad ng opisyal. — FRJ, GMA News