Puwede nang daanan ng lahat ng regular vehicles ang buong pitong linya ng 18-kilometer Skyway Stage 3 Elevated Expressway na nagkokonekta sa South Luzon at North Luzon expressways simula sa Biyernes, Enero 15. Bukod dito, pinalawig hanggang Pebrero 1 ang libreng toll.
Sa pahayag ng San Miguel Corp. (SMC) na nasa likod ng naturang proyekto, isasara ang buong expressway simula 10 p.m. sa January 13 at sa buong araw ng January 14 para sa isasagawang full inspection, set-up, at staging para sa opisyal na pagbubukas sa Biyernes, January 15, sa ganap na 5:00 am.
"We ask for the kind understanding of motorists, as we prepare to officially open Skyway 3. Following the opening, motorists will be able to experience the benefits of all seven lanes and all the features of this game-changing expressway that will reduce travel time from SLEX to NLEX and vice-versa, to only 30 minutes. It will also help decongest traffic on EDSA and many parts of Metro Manila," ayon sa pamunuan ng Skyway.
Bagaman nakasaad sa pahayag na libre ang toll sa Skyway 3 hanggang Enero 29, sinabi ni SMC president and chief operating officer Ramon Ang, sa kaniyang Facebook post, na hanggang Pebrero 1 na libre ang toll sa expressway.
"All access points and seven lanes on select areas will be available to motorists starting January 15 still for free—extended until February 1—so that our motorists can experience and enjoy seamless driving along this engineering marvel over Metro Manila’s congested streets," ayon kay Ang.
Disyembre 29 nang buksan ang ilang bahagi ng Skyway 3 na ikinatuwa ng maraming motorista dahil naging mabilis ang biyahe papuntang Makati at SLEX mula sa NLEX-Balintawak na umaabot lang ng 20 hanggang 30 minuto mula sa dating dalawang oras kung dadaan sa EDSA.
Ang Skyway 3 ay may entry at exit ramps sa Buendia, Plaza Dilao, Nagtahan, E. Rodriguez, Quezon Avenue, Sergeant Rivera at Balintawak.— FRJ, GMA News