Aabot sa 25 katao ang arestado sa Cubao, Quezon City, dahil umano sa online sabong, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Lunes.
Pinuntahan ng mga pulis ang isang compound sa Barangay San Roque sa Cubao matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa iligal na pasugalan.
Inabutan sa kuwarto ang mga lalaki na ang iba ay walang suot na face mask. Nakita rin na menor de edad ang tumatanggap ng taya.
Sa ilalim ng community quarantine rules, bawal ang anumang uri ng electronic gaming activity, ayon kay Police Major Jowilouie Balaro, hepe ng Cubao Police Station.
"Very blatant talaga yung violation dun sa quarantine protocols natin kasi po ay nagkaroon na sila ng social gathering at nag-iinuman pa sila, and marami ang hindi naka-face mask at face shield," ani Balaro.
Napag-alaman din na expired na ang permit ng nasabing lugar.
Ayon sa operator ng online sabong na kasamang nadakip, kinakailangan na nilang kumita dahil wala na silang pambayad sa puwesto.
Itinanggi naman ng ilang naaresto na tumataya sil. --KBK, GMA News