Umaabot na ngayon sa 30 ang deputy speaker ni Speaker Lord Allan Velasco sa Kamara de Representantes.
Sa sesyon ng kapulungan ngayong Lunes, hinirang si Cavite Representative Strike Revilla bilang pinakabagong deputy speaker.
Ang House Committee on Housing and Urban Development na dating pinamumunuan ni Revilla, ibinigay naman kay Negros Occidental Representative Francisco Benitez.
Nitong lang nakaraang linggo, siya na bagong deputy speaker ang pinangalanan sa kapulungan.
Nauna na ring itinalaga bilang deputy speaker si Las Pinas Rep. Camille Villar, pero tinanggihan niya ang posisyon.
Sa nakaraang panayam kay deputy speaker Rufus Rodriguez, idinepensa niya ang pagkakaroon ni Velasco ng maraming deputy speaker para matiyak umano na may kinatawan ang bawat rehiyon sa naturang puwesto.
"The rationale is to be able to have more representation from the regions," sabi ng mambabatas.
"You know, we have Imperial Manila always. So therefore the Speaker deems it necessary to make sure there is representation from the 16 regions," dagdag pa ng mambabatas.
Itinalaga naman si COOP-NATCCO party-list Rep. Sabiniano Canama bilang pinuno ng House Special Committee on East ASEAN Growth Area.
Pinalitan niya sa naturang puwesto si Sarangani Rep. Ruel Pacquiao, na itinalaga ring deputy speaker noong nakaraang linggo.
Ang dating komite na pinamumunuan ni Canama na House Committee on Cooperatives Development, ibinigay naman kay PHILRECA party-list Representative Presley De Jesus. —FRJ, GMA News