Viral nitong Sabado sa social media ang video ni presidential spokesperson Harry Roque habang humahataw sa pagkanta. Paliwanag ng opisyal, nag-"unload" lang siya dahil sa "hectic" na linggo.

Sa video, makikita si Roque na kinakanta ang "Pare Ko."

Sinabing nakuhanan ang video nitong Biyernes ng gabi sa Baguio City.

“Just when I thought I could unload a little after a hectic week/s, my unremarkable singing as a means of unloading goes public and I get a beating,” paliwanag ng opisyal sa pahayag.

Nitong Biyernes din ng gabi kumalat sa social media ang mga larawan ng matinding pinsalang inabot ng mga tao sa Cagayan at Isabela dahil sa bagyong Ulysses.

Dahil sa tindi ng pagbaha, ilang residente ang nagpalipas ng magdamag sa bubungan ng kanilang mga bahay.

“It goes to show that the people who have the power doesn’t really care about their fellowmen,” saad sa caption ng video tungkol kay Roque.

 

 

May mga netizen din na pumuna na walang suot na face mask ang opisyal.

Hinikayat naman ni Roque ang publiko na ituon na lang sa mas mahalagang bagay ang atensiyon.

“Having said this, let us go back to the most pressing matter at the moment, which is providing the much-needed assistance to our distressed brothers and sisters in the aftermath of typhoon Ulysses,” hiling niya.

“As I speak, my family and I are preparing/repacking 600 bags of rice for donation in Alcala, Cagayan Valley where my friend and previous law partner and his family reside. Let us unite, help, and be kind to our fellow Filipino,” patuloy niya.—FRJ, GMA News