Wasak ang ikalawang palapag ng isang bahay sa Marikina City nang mabagsakan ng nabuwal na puno ng Ipil-ipil na tinatayang nasa 60 talampakan ang taas.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang insidente sa Provident village.

Natumba ang puno sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan nitong Martes.

Nasa labas ng bakod ng village ang puno pero inabot pa rin ang bahay at ilang nakaparadang sasakyan dahil sa sobrang laki nito.

 

 


Ayon sa mga awtoridad, ilang dekada na ang tanda ng puno na kinailangan pagputol-putulin para maitanggal. --FRJ, GMA News