Dahil sa COVID-19 pandemic, mababawasan ang pagbili ng mga Pilipino ng mga paborito nilang bibingka, puto bumbong at hamon sa nalalapit na kapaskuhan. Ngunit hindi na ito kailangang ipag-alala dahil ang mga naturang pagkain, available na rin online.
Sa "Pera Paraan" ng GMA Public Affairs, ikinuwento ni Heidi De Leon, may-ari ng "Haidelicious Bibingka and Puto Bungbong," na naisipan niyang sumabay na rin sa online selling lalo't pinipilahan ang kaniyang bibingka at puto bumbong sa tuwing nalalapit ang Pasko.
Hindi naman puwedeng maliitin ang karanasan ni Heidi sa paggawa ng paboritong kakain ng mga Pinoy dahil 29 na taon na raw niya itong ginagawa kaya.
Ngayon, meron na rin silang riders na naghahatid ng mga order sa mga customer.
Si Fernando "Addy" Cruz naman, founder ng "Jamon De Coron" sa Palawan, nagsimula nang ipatikim sa mga kaibigan ang kaniyang specialty na hamon.
Tunghayan sa "Pera Paraan" kung paano sila dumidiskarte sa pagbebenta ng mga pagkaing pampasko sa ilalim ng "new normal."--FRJ, GMA News