Hinuli ng mga awtoridad ang ilang nagpunta sa Manila North Cemetery dahil may mga dalang alak ang mga ito, ayon sa ulat ni Jamie Santos sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado.

Bago makapasok sa sementeryo, dadaanan muna ang mga bibista sa decontamination booth at kukuhanan ng temperatura dahil sa coronavirus disease 2019 pandemic.

Iniisia-isa rin ng mga awtoridad ang kanilang mga gamit na dala-dala. Isang lalaking may dalang kahon na alak ang hiarang.

“Kinukumpiska po namin sir. Iho-hold po namin,” ani ng isang gwardya.

Isang bibisita rin na may dalang alak ang hinarang.

Nagasagawa rin ng clearing operations laban sa mga tricycle dahil ipinagbabawal ang pagpapasada sa loob ng sementeryo.

“Kaya nga po namin pinagbawal ang saksayan sa loob upang hindi tayo makapag dikit-dikit at magkaroon ng social at physical distancing,” ani Yayay Delos Reyes, ang Manila North Cemetery Director.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang mga tricycle at ii-impound.

“Maglakad na lang po tayo. Maganda naman po ‘yun sa ating katawa, diba po? Kaonting exercise lang po ito,” sabi ni Delos Reyes. — Joahna Lei Casilao/DVM, GMA News