Kahit na ginagawa na itong white sand beach, sandamakmak pa rin na basura ang makikitang palutang-lutang sa Manila Bay.
Ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Martes, makikita ang mga lumulutang na basura malapit sa Manila Yacht Club.
Aniya, mas marumi rito kumpara sa kabilang dulo ng Manila Bay kung saan naman nagtatambak ng 'white sand' ang Department of Environment at Natural Resources.
TINGNAN: Sandamakmak na basura ang tinangay sa Manila Bay, malapit sa Manila Yacht Club. Mas marumi rito kumpara sa kabilang dulo kung saan naman nagtatambak ng 'white sand' ang DENR @gmanews pic.twitter.com/V9WL14Cip2
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) September 7, 2020
Nagdudulot daw ng mabahong amoy sa lugar ang mga basura.
Ayon sa mga opisyal, regular naman daw ang ginagawang paglilinis sa nasabing lugar.
Dagdag pa nila, galing daw sa ibang lugar ang mga basura at inanod lang sa Manila Bay. Normal daw ito sa mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre. —KBK, GMA News