Arestado sa Maynila ang siyam na namemeke umano ng ilang dokumento, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.
Nahuli ang mga suspek, kabilang ang isang menor de edad, sa isang motorcycle shop kung saan daw ginagawa ang mga pekeng dokumento gaya ng resulta ng COVID-19 test at travel documents.
Kumpiskado mula sa grupo ang mga computer sa shop.
Ayon sa may-ari ng shop, hindi niya alam na may nagaganap na pamemeke ng dokumento sa lugar. Nagbebenta raw sila ng motorcycle parts online. —KBK, GMA News