Naglagay ang Metro Rail Transit Line 3 management ng bike racks sa mga piling istasyon na libreng magamit ng mga nagba-bike na sasakay ng tren at walang mapag-iwanan ng kanilang bisikleta.
Sa ulat niJames Agustin sa "Unang Baitla", sinabing nakapuwesto ang mga bike rack sa may ilalim ng hagdan ng mga istasyon.
Ayon umano sa pamunuan ng MRT3, ligtas naman ang mga lagayan ng bike pero nilinaw nito na walang pananagutan ang management sa mga bike na ilalagay doon.
Payo ng MRT, huwag maglagay ng mga mahahalagang gamit sa mga iiwang bike.
Dagdag ng ulat, limang bikes ang magkakasya sa bawat rack.
Sa nayon, tatlong istasyon pa lamang ang may mga bike rack.
Ang mga ito ay nasa ilalim ng North Avenue Station, Quezon Avenue Station, at sa GMA-Kamuning Station.
Binabalak umano ng MRT3 na malagyan ng bike racks ang lahat ng mga istasyon nito sa mga susunod na linggo. —LBG, MGA News