Matapos ang limang taon na operasyon, isasara na simula sa Agosto 31 ang KidZania Manila, na pinamamahalaan ng Play Innovations Inc., na subsidiary ng ABS-CBN Corp.
Inihayag ng ABS-CBN ang pagkalugi ng naturang pasyalan mula nang ipatupad ang lockdown para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
"With the COVID-19 pandemic and ensuing community quarantine, we have complied and suspended operations to prevent the further spread of the virus, which resulted to a massive impact on our revenues," ayon sa kompanya.
"Even we are allowed to operate in the future, the 'new normal' will prohibit mass gathering and require children to remain at home. These conditions have left us with no choice but to close the play city's doors permanently," dagdag nito.
Nakatayo ang KidZania Manila sa Park Triangle sa Bonifacio Global City sa Taguig, kung saan mayroong mahigit na 60 role-playing activities na puwedeng gawin ang mga bata.
"Our hearts go out to our employees. We are doing everything we can to aid them at this time of uncertainty, including paying out severance benefits as mandated by law and providing job placement programs for them. We appreciate all their hard work," ayon sa ABS-CBN.
"We are also grateful to our industry partners and the schools and families who have trusted us over the years," patuloy nila.
Nitong nakaraang Mayo, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mahigit 525,000 o 52.66% ng MSMEs sa bansa ang natigil ang operasyon dahil sa lockdown.--FRJ, GMA News