Isang lalaki sa Cali, Colombia, ang nag-propose sa kaniyang nobya na kakagaling lang matapos isilang ang kanilang anak habang nasa induced coma dahil sa COVID-19. Ang mga health worker, full support sa kaniya.

Sa Twitter post ng Agence France Press, makikita sa video ang medical workers na bitbit na mensahe nang mag-propose ni Jefferson Riascos sa kaniyang nobyang si Diana Angola, na nakaupo sa wheelchair.

 

 

Maya-maya lang, lumuhod na si Riascos na may  bitbit na bulaklak sa harap ni Angola at ibinigay ang singsing.

Ginawa ito ni Riascos matapos na bumuti ang lagay ng nobya na parehong nilabanan ang hirap ng panganganak at COVID-19.

"I never expected this, he is a wonderful man. What a beautiful surprise," sabi ni Angola.

"We had already planned this, the marriage. The truth is that today was a very important day to see her again after so much time," sabi naman ni Riascos.

Kailangang daw ni Angola na lumaban para mabuhay para sa anak nila ni Riascos.--AFP/Jamil Santos/FRJ GMA News