Kulungan ang bagsak ng isang lalaki na 4Ps beneficiary matapos niyang gamitin sa pagtutulak umano ng droga ang natanggap niyang ayuda mula sa gobyerno.
Sa ulat ng GMA News COVID-19 Bulletin nitong Miyerkoles, kinilala ang suspek na si Erickson Montemayor, 24-anyos, na nahulihan ng 10 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P68,000.
Sinabi ng Sampaloc Police na pinampuhunan ng suspek sa ilegal na droga ang natanggap niyang ayuda, samantalang ginagamit naman ng kaniyang mga parokyano ang quarantine pass para makalabas at makabili ng droga.
Umamin ang suspek na nagbebenta siya ng droga, na kaniya laman daw nagawa dahil kabuwanan na umano ng kaniyang asawa.
Nakadetine na sa Sampaloc Police Station ang suspek, na sasampahan ng reklamong pag-iingat at pagbebenta ng droga. —Jamil Santos/LBG, GMA News