Bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID-19 posibleng budburan na lang ng tuyong abo sa bunbunan ang mga Katolikong deboto sa darating na Ash Wednesday.
Ayon sa ulat ni Vonne Aquino sa Unang Balita nitong Biyernes, mismong ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang nagrekomenda nito.
Bahagi raw ito ng precautionary measures ng Simbahan para maiwasan ang COVID-19 lalo na sa mga aktibidad ngayong Kwaresma.
Maraming deboto naman ang sang-ayon dito.
Pinayuhan din ng CBCP ang mga Katoliko na imbes na halikan at hawakan ang krus sa Veneration of the Cross sa Good Friday ay yumuko na lamang dito. —KBK, GMA News