Minsan ba naisip n'yo ano nga ba ang kayang gawin sa loob ng isang minuto? Aakalain n'yo bang ang isang minuto kayang makapagpabago ng buhay ng tao?

Iyan ang naisipan ng Palestinian-Israeli video blogger na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily.

Tampok sa kanyang mga 1-minute  daily videos ang iba’t ibang bansa na napuntahan niya, ang mga kultura at tradisyon dito at s'yempre ang mga local na nakikilala n'ya na may kanya-kanyang inspiring stories.

Sa higit sa 50 bansang napuntahan na niya, isa sa paboritong bansa ni Nas ay ang Pilipinas, dahil daw sa tatlong rason: "People, prices and nature is the reason why the Philippines is my favorite country," ayon sa kanya.

Nito lang nakaraang linggo muling bumista si Nas dito sa bansa, kasama n'ya ang mga travel companion at content producers na sina Alyne Tamir ng Dear Alyne at Agon Hare ng Project Nightfall, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Martes.

Naimbitahan daw sila ng Department of Tourism upang mag-travel at i-promote ang ganda ng ating mga tourist destinations sa Pilipinas.

"This is my fourth time, it keeps getting back. I’m a lot of a Filipino now like, I’m a lot of whoo whooo. People are crazy warm I think what I love the most," aniya.

Bahagi ng pagbisita ni Dear Alyne, Project Nightfall at Nas Daily sa bansa ang meet-and-greet sa libo-libong followers na mainit ang naging pag-tanggap sa kanila.

Nagkaroon din ng Q&A with Nas at ilang fun games kasama ang fans.

"Nas, thank you for everything. Thank you for your videos that make us happy and entertained," sabi ng isang tagahanga ng vlogger.

Syempre may participation din ang mga dumalo sa meet-and- greet para sa new video ni nas daily na dapat daw abangan.

"The Philippines has a long way to go. But they are trying and we tourist need to try," sabi ni Nas sa isang pasilip sa kanyang susunod na vlog tungkol sa bansa. — MDM, GMA News