Patay ang nakatatandang kapatid ng isang lalaki habang sugatan ang isa pa niyang kuya matapos niyang saksakin ang dalawa sa Quezon, Palawan.

Ayon sa ulat sa “QRT”, Biyernes ng gabi nang magkainuman sa isang bahay sa barangay Alfonso Trese sina Mesraim Estores Alejo, Romy Estores Alejo at Christian Estores Valdez.

Nakatatandang mga kapatid ni Christian sina Mesraim at Romy. Magkakapatid sila sa ina.

Sa gitna ng kanilang kalasingan, naungkat ang matagal na palang kinikimkim na galit umano ni Christian dahil sa ginawang pambu-bully ng kaniyang mga kapatid.

Nang magkainitan at magkapikunan, sinaksak ni Christian si Mesraim sa tiyan at dibdib habang tinamaan sa tiyan si Romy.

Kalaunan, mamatay ang isa habang nakaligtas ang isa pa.

Sasampahan ang suspek ng kasong murder at frustrated murder. —NB, GMA News