Inilabas ng Manila Police District (MPD) nitong Lunes ang larawan ng limang "persons of interest" sa panghoholdap sa Metrobank branch sa Binondo, Manila nitong nakaraang linggo.

Sa pulisya, konektado umano ang lima sa Parojinog group na pinangungunahan ni Ailon Parojinog at Jing Mofan, na kapwa may warrants of arrest sa kasong pagpatay.

 

 

Nasa hanggang pito katao ang suspek na nanloob sa naturang sangay ng Metrobank noong umaga ng Huwebes.

 

 

Nagsuot umano ng uniporme ng security guard ang ilang suspek at may nagbihis din ng Grab uniform.

 

 

Ayon sa pulisya, itinali ng mga salarin ang mga security guard at mga kawani ng bangko.

Una rito, nag-alok si Manila Mayor Isko Moreno ng P1-milyon pabura para madakip ang mga holdaper. — FRJ, GMA News