Isang 15-anyos na binatilyo ang hinatak mula sa isang internet cafe at binaril sa ulo ng isang nakamaskarang salarin sa General Santos City nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa ulat ni Tina Panganiban Perez ng "24 Oras Weekend", kinilala ang biktima na si Harmon Bulawan.
Wala pang matukoy na motibo sa pamamaslang ang mga otoridad ngunit may record na umano ang biktima.
"Talagang may malaking galit ang suspect dun sa biktima... Itong biktima is noted na involved sa pagnanakaw dito sa Barangay Labangan kung hindi sa GenSan," sabi ni Police Captain Ricardo Flores ng General Santos City police.
Hindi nagbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima na inilibing agad ayon sa tuntunin ng mga Muslim. -NB,GMA News