Kapag may naganap na lindol, kasamang nababanggit sa mga balita ang "magnitude" at "intensity" ng lindol. Alamin kung ano ang kaibahan ng dalawa.
Magnitude ang tawag sa enerhiya na nagpagalaw sa lupa o sa epicenter, ang lugar kung saan nagmula ang lindol.
Nasusukat ang magnitude sa pamamagitan ng aparatong seismograph.
Samantalang ang intensity naman ay ang lakas ng paggalaw ng lupa sa isang partikular na lugar na apektado ng lindol.
Ang intensity ay ibinabase sa pakiramdam ng tao at epekto nito sa paligid.
Habang papalayo ang lugar mula sa epicenter, papahina nang papahina ang nararamdamang "intensity" o pagyanig.
Tulad halimbawa ng nangyaring lindol sa Luzon nitong Lunes na naitala sa lakas na magnitude 6.1, at intensity V naman ang naging sukat ng lakas nito sa Pampanga at Quezon City.-- FRJ, GMA News