Marami ang humahanga sa isang pintor sa Bacolod City dahil bukod sa magaganda niyang mga obra, agaw-atensyon din ang kaniyang dating. Ngunit si Bae Artist, "drawing" pa rin ang kaniyang buhay pag-ibig.

Sa ulat ni Pia Arcangel sa GMA News "Balitanghali" nitong Huwebes, makikita na classic at moderno ang mga larawan na kayang ipinta ni Christian Jison.

Pinanghuhugutan daw niya ng inspirasyon ang mga karanasan niya sa buhay, na talagang nagdadagdag-kulay sa kaniyang sining.

"It's more of an experience on a daily basis. It signifies colors of our life. I can just easily deal with some certain situations and of course being positive  lang," ayon kay Christian.

Hindi lang pagpipinta ang kayang gawin ni Christian, dahil marunong din siyang magluto.

Pero pagdating sa buhay pag-ibig, malamlam ito kaya hanggang ngayo'y nangangap siyang may maka-holding hands.

Inihayag naman ni Christian ang hanap niya sa babae.

"Ang manner, nangingibabaw talaga above all," anang pintor.-- FRJ, GMA News