Walang "extension" na ipatutupad sa isinasagawang voter registration ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 2019 elections.
Nitong Biyernes, sinabi Comelec spokesperson James Jimenez, na asahan ang mahabang pila sa huling araw ng pagpapatala.
“We call on the public to exercise patience as long queues are expected in the last few days of registration,” sabi ng opisyal.
Sinimulan ang voter registration nitong nakaraang July 2 at magtatapos sa Sabado, Sept. 29, 2018.
Magsisimula muli ang pagpaparehistro sa ganap na 8 a.m. hanggang 5 p.m., ayon pa kay Jimenez.
Maliban sa mga magpaparehistro para makaboto, tinatanggap din ang mga magpapalipat ng bobotohan, magpapa-reactivate para makabotong muli, at may papalitan sa kanilang tala. — FRJ, GMA News
