Usap-usapan ngayon ang pagkabuo ng mga makakapal na bula sa Molino Dam sa boundary ng Las Piñas City at Bacoor, Cavite. Ang mga awtoridad, aalamin ang dahilan nito na maaaring dahil sa pressure at dumi ng tubig.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes, sinabing napaulat ang bula sa dam matapos itong makuhanan ng video ng isang residente noong nakaraang linggo.

Makikita pa rin hanggang ngayon ang mga naturang bula, na nagsisimula kapag dumausdos na ang tubig mula sa kabilang panig ng ilog.

 

 

Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau ng Cavite na iimbestigahan pa nila ang tubig para matukoy kung saan nanggagaling ang bula, sa pamamagitan ng pagkuha ng water sample.

Ang mga estudyanteng tumatawid sa lugar, kailangan tuloy magbayad ng P2.

Kapag sasakay naman sa sasakyang tinatawag na tulak-tulak, may bayad din na P2. —Jamil Santos/KG, GMA News