Kinumpiska mga awtoridad sa bayan ng Oas sa lalawigan ng Albay ang aabot 35 kilong daing na butere (puffer fish).

Ayon sa mga awtoridad, nakumpiska ang mga daing na ipinagbabawal na isdang butete sa iba't ibang puwesto sa pamilihang-banayn ng Oas.

Pahayag ni Chief Inspector Domingo Tapel Jr., hepe ng Oas PNP, isinagawa ang operasyon matapos may magsumbong na residente na maraming nagtitinda nito.

Mahigpit na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Violation of Fisheries Administrative Order 249 series of 2014 ang pagtinda at lalong lalo na ang pagkain dahil nakakalason at nakakamatay ito.

Nakatakda naman i-turn over ang nakumpiskang isda sa municipal agriculture office para sunugin o ibaon ito. —Michael B. Jaucian/LBG, GMA News