Natagpuan ng mga residente ang isang balyenang naaagnas na sa baybayin sa Maasin City sa Southern Leyte.
Ayon sa mga residente, natuntun nila ang balyena dahil sa masangsang na amoy nito.
Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes, napag-alaman umano ng rescue team na halos dalawang linggo nang patay ang balyena.
Dinala na sa malayong bahagi ng karagatan ang balyena para maiwasang magkasakit ang mga residente. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News
