Natagpuang patay ang isang critically endangered Irrawaddy dolphin sa pampang ng Malampaya Sound sa Palawan at nakapulupot sa buntot nito ang isang lambat.
Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing maaaring ang pagkapulupot ng lambat sa buntot ng dolphin ang dahilan ng pagkamatay ng sea mammal.
Itinuturing na critically endangered na ang irrawaddy dolphin at malapit nang maubos ang lahi nito.
Mangilan-ngilang irrawaddy dophlin ang nakatira sa Malampaya Sound, na isang sanctuary ng ilan ding endangered marine species na inalagaan doon.
Noong 2002, ayon sa World Wide Fund for Nature (WWF), 42 irrawaddy dolphins na lamang ang natitira sa Malampaya Protected Area.
Iniimbestigahan na ng Department of Environment and Natural Resources ang pagkamatay ng dolphin. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News