Sa paglipas ng mga panahon, tila mas nauuso na sa mga kabataan ang paglalaro ng mga gadget at computer games, kaysa mga larong pambata, tulad ng piko, agawang base, tumbang preso at marami pang iba. Maglaro pa kaya ang mga Pinoy kapag nakakita sila ng piko sa kalsada?
Ito ang isinagawang social experiment ng programang "On Record," kung saan iginuhit ang isang piko sa kalsada sa GMA Network at Quezon Avenue.
Sa daan-daang commuters na dumaan, ilang Pinoy kaya ang tumigil para maglaro at muling balikan ang kanilang pagkabata? Tunghayan sa "On Record." —LBG, GMA News