WATCH

Guro, nauwi sa paglalako ng paninda nang mawalan ng trabaho | NCAA Philippines

Kahit may mga edad na, napipilitan pa rin ang ilang senior citizen na kumayod kahit may pandemic para matustusan ang kanilang sariling pangangailangan at pati na rin sa kanilang pamilya.

Gaya ni teacher Eloisa Gicar, na nauwi sa paglalako ng paninda matapos magsara ang kaniyang maliit na pre-school dahil sa epekto ng COVID-19.

Bagaman may mga anak, pinili ni teacher Eloisa na kumayod at huwag umasa sa kaniyang mga anak na may kani-kanila na ring pamilya.

Sanay din daw kasi si teacher Eloisa na suportahan ang sarili mula pa noon ng kaniyang kabataan habang nag-aaral.

Pero sa kaniyang paglalako sa daan, naantig ang kalooban ng maraming netizen at tumulong sa kaniya upang makapagpatayo na siya ng sariling tindahan.

Tunghayan sa video na ito ng "New Normal" ang kuwento ni teacher Eloisa, at ang bayanihan ng netizen sa pagtulong sa kapwa, pati na sa kaso ng 72-anyos na tsuper na si tatay Elmer Cordero, na nakulong habang nananawagan ng ayuda kasama ang binansagang Piston 6. Panoorin.


--FRJ, GMA News

Other Stories
SEE NEXT ARTICLE
SEE NEXT ARTICLE